Kontrolado mo ba ang Social Media o ikaw mismo ang kontrolado ng Social Media?


Unang-una sa lahat, ang paglikha at paglaganap ng teknolohiya ang siyang ugat kung bakit ang ating mundo ay umangat at naging kahanga-hanga. Ang mga artipisyal na nalikha tulad ng cellphone, computer, telebisyon at iba pa ay naging isa sa mga kailanganin ng tao para sa komunikasyon at pagkuha ng impormasyon.
Habang ang teknolohiya ay umaangat nakabuo ito ng signal mula sa mga gadget hanggang sa nagkaroon ito ng tinatawag na “data” kung saan nagsimula ang “internet”. Ang internet ay maraming “search engines” tulad ng Google, YouTube at ang pinakapopular at pinakamalaking online site sa buong mundo na kung tawagin ay Facebook.
Ang mga search engines ay karaniwang tinatawag na “social media” na mayroong mga websites at applications na may kakayahan ang isang gumagamit nito na gumawa at magshare ng nilalaman o makisali sa social networking.
Sa Pilipinas halos lahat ng tao ay gumagamit ng social media dahil alam natin na marami itong benepisyong naidudulot sa ating pang araw-araw na buhay. Gamit ang social media madali tayong makakuha ng mga impormasyon sa ating mga kaibigan at pamilya, makakapagbenta ng iba’t ibang uri ng produkto, makapagresearch ng mga assignments, makakita ng mga inspirasyon, magshare ng ating mga opinion, magkomento at iba pang makapagpasaya sa atin.
Masarap sa pakiramdam gumamit ng social media lalong lao na sa mga sikat na website tulad ng Facebook, Twitter at Instagram. Dito mo malayang maipapahayag ang lahat ng iyong mga nararamdaman at maipapakita ang pagmamahal sa iyong sarili sa pamamagitan ng pagseselfie at ipopost kaagad at umaasang makakuha ng magandang reaksyon at komento mula sa mga kaibigan.
Ngunit sa panahon ngayon ang tama ay unti unting nagiging mali sapagkat habang dumadami ang gumagamit ng social media ay ganoon din ang pagdami ng mga kriminalidad at hindi magandang isyu na nangyayari sa ating lipunan nang dahil din sa social media. Marami nang bawal ang nilalabag, marami nang tao ang naaadik, nagkakasakit, nag-aaway, nadedepress, naaaksidente at higit sa lahat nagpapakamatay. Ito’y dahilan sa pang-aabuso at sobra-sobrang paggamit ng social media. Ang masarap ng paggamit ay humantong sa mapait na resulta. Ika nga nila masama ang sobra-sobra at ito nga’y napatunayan ng social media.
Hindi natin namamalayan na unti unti nang sinsakop at nilalason ng social media ang ating mundo nang dahil sa pagiging eresponsble ng mga taong gumagamit nito. Sana lahat ng tao ay mamulat sa katotohanan na ang social media ay isa lamang imbensyon nagbibigay impormasyon at inspirasyon hindi para ibuhos lahat ng ating oras at pagkatao.

Tao mismo ang lumalason sa kanyang sarili hindi ang social media. Huwag nating hayaan na kainin tayo ng social media. Umpisahan natin ito sa disiplina ng ating mga sarili at gamitin sa tamang oras at lugar. Tayo ang tao hindi tayo alipin, tayo dapat ang komontrol sa social media. Huwag nating hintayin ang panahon na social media na ang mamuno sa ating mundo. 

Mga Komento

  1. Casino Poker Review
    Our 가상화폐 종류 Casino Poker guide lists the most reliable and trustworthy 재제 online poker sites to play at. Read our expert review 브라밝기조절 of their 사설 사이트 odds, bonuses, payout 넷마블 포커 percentages,

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento