Kontrolado mo ba ang Social Media o ikaw mismo ang kontrolado ng Social Media?
Unang-una sa lahat, ang paglikha at paglaganap ng teknolohiya ang siyang ugat kung bakit ang ating mundo ay umangat at naging kahanga-hanga. Ang mga artipisyal na nalikha tulad ng cellphone, computer, telebisyon at iba pa ay naging isa sa mga kailanganin ng tao para sa komunikasyon at pagkuha ng impormasyon. Habang ang teknolohiya ay umaangat nakabuo ito ng signal mula sa mga gadget hanggang sa nagkaroon ito ng tinatawag na “data” kung saan nagsimula ang “internet”. Ang internet ay maraming “search engines” tulad ng Google, YouTube at ang pinakapopular at pinakamalaking online site sa buong mundo na kung tawagin ay Facebook. Ang mga search engines ay karaniwang tinatawag na “social media” na mayroong mga websites at applications na may kakayahan ang isang gumagamit nito na gumawa at magshare ng nilalaman o makisali sa social networking. Sa Pilipinas halos lahat ng tao ay gumagamit ng social media dahil alam natin na marami itong benepisyong naidudulot sa ating pang araw-araw...